Nene naglaro sa kalsada, nasagasaan

MANILA, Philippines - Patay ang 7-anyos na nene na naglalaro sa kalsada makaraang mabundol ng motorsiklo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod naman sa Tondo Medical Center subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Ed Shell Abian ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Raymundo Oria Jr., 44, ng #2912 BNR Compound Gov. Pascual Street sa Brgy. Concepcion, Malabon City.

Base sa ulat ang pulisya, binabagtas ni Oria ang Road 10 mula sa Maynila nang hindi mapansin ang biktima na naglalaro sa gitna ng kalsada kasama ang ilang bata.

Tumulong naman umano si Oria na maisugod sa ospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek sa Navotas Prosecutors Office.

Show comments