Trike driver dedo sa rider

MANILA, Philippines – Pinagbabaril habang naghihintay ng kanyang pasahero ang isang tricycle driver ng isang motorcycle rider sa terminal kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang isinusugod sa ospital ang biktimang si Jomar Vinarao, 46, may-asawa ng Pingkian St., Brgy. Pasong Tamo.

 Batay sa ulat, alas-5:45 ng hapon sa Toda terminal na  matatagpuan sa kahabaan ng Bansalangin St., Brgy. Veterans Village ay nakaupo ang biktima sa kanyang tricycle na naghihintay ng pasahero nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang isang lalaki.

Lumapit ang suspek sa biktima at tatlong beses na pinaputukan sa ulo at nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang una.

Show comments