Parak sinaksak ng tricycle driver

MANILA, Philippines – Isang pulis na nasa malubhang kalagayan sa ospital matapos na saksakin ng tricycle driver na kanyang sinita sa hindi pa malamang paglabag sa batas trapiko kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima ay kinilalang si PO1 Alvin Dela Cruz, 28, nakatalaga sa District Public Safety Battalion ng Northern Police District at residente ng Sampaguita Street, Brgy. Marulas, Valenzuela City.

Ang suspek na nadakip ay nakilalang si Marlon Eugenio, 30, may-asawa, at naninirahan sa No
161 4th Avenue West, Brgy. 51, Caloocan City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:00 ng gabi ay nasita ni PO1 Dela Cruz si Eugenio bilang bahagi ng police visibility ng NPD sa tapat ng isang convenience store sa may kanto ng 4th Avenue West at P. Sevilla Street sa Brgy. 151.

Ikinagalit ito ng suspek na nagresulta ng pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at undayan ng saksak ang pulis bago tumakas lulan ng kanyang tricycle.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 at nadakip ang suspek na kinasuhan ng frustrated homicide.

Show comments