MANILA, Philippines – Sa pangamba na hindi na makakapag-aral ng kolehiyo sa hirap ng buhay ay nagawa ng isang 16-anyos na dalagita na magbigti noong Miyerkules ng gabi sa Caloocan City.
Nadiskubreng nakabigti ang biktima na si Shinette Mae Torejos, residente ng Apartment Unit 4, Block 51-E Lot 4, Phase 3, F2 Kaunlaran Village, Brgy. 8 Dagat-Dagatan ng lungsod ng kanyang lola Gina Torejos, dakong alas-6:30 ng gabi.
Dinala ang biktima sa Pagamutang Bayan ng Malabon ngunit hindi na umabot ng buhay.
Batay sa ulat, gumamit ang biktima ng plastic na tali na ipinulupot sa leeg at isinabit sa nakausling pako sa kanilang dingding.
Lumalabas na dumanas ng depresyon ang biktima dahil sa kawalang kasiguruhan umano na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.