Holdaper na bagong laya itinumba

MANILA, Philippines – Ilang oras lang nakamit ng isang suspek sa panghoholdap ang kanyang kalayaan sa kulungan nang siya ay pagbabarilin at mapatay ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima na namatay noon din ay kinila­lang si Josereno Aguhar, 34,  ng Block 24, Lot 24, Phase 2, Area 2, Kaunlaran Village, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay nag­lalakad ang biktima sa kahabaan ng Kitang Street, Area 1 at pagsapit sa kanto ng Block 24, Lot 27, Phase 2, Dagat-Dagatan ay hinarang ito ng mga nag-aabang na mga suspek at agad na siya ay pinagbabaril.

Kalalaya lamang ng biktima sa mga kasong robbery, paglabag sa R.A 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act, slight physical injury, oral defamation at acts of lasciviousness.

Show comments