Sekyu binoga sa ulo ng kabaro

MANILA, Philippines – Malapitang binaril sa ulo ng isang sekyu ang kanyang kasamahan matapos na maungkat ang kanilang dating alitan habang naka-duty sa isang subdivision sa Brgy. Timalan, Naic, Cavite.

Nasawi noon din ang biktima na si Ian Epe,  security guard ng Magnetrod Security Agency at naka-duty sa main gate ng Hillsview Subdivision ng nasabing barangay.

Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Alvon Tenero, 27, binata, security guard, roving guard at residnete ng Blk 30, Lot 24, Damayan Area Central, Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:15 ng umaga ay kapwa naka-duty ang biktima at suspek nang lapitan ng huli ang una sa main gate at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan at dito ay bumunot ng baril ang huli at binaril sa ulo ang una.

Lumalabas sa imbestigasyon na dati nang may alitan ang dalawa na posibleng may kinalaman sa trabaho.

Show comments