Erap ininspeksyon ang sitwasyon sa Divisoria

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng  surprise inspection si Manila Mayor Joseph  Estrada sa  Divisoria upang  tining­nan nito ang  sitwasyon ng mga  vendors at sitwasyon ng trapiko.

Umapela si Estrada sa mga vendors na sundin ang  napag-usapang  sistema  sa pagtitinda at  paglalagay ng mga paninda sa  kasunduang hindi  maapektuhan  ang daloy ng trapiko sa  Divisoria.

Sinabi ni Estrada, binibigyan lamang nila ng  pribilehiyo ang mga vendors upang   kumita, subalit hindi naman dapat na  makaperwisyo ng iba.

Layon ni Estrada na buhayin ang  Divisoria na sentro ng kalakalan sa Maynila ay makahikayat pa  ng mga negosyante na mamumuhunan  sa bansa upang makatulong sa pag-unlad ng  lungsod.

 Nais ni Estrada na  kilalanin ang discipline zone na ipinatutupad ng Task Force Organized Vending upang  maisaayos ang hanay ng mga vendors.

Show comments