MANILA, Philippines - Binawian ng buhay sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos siyang martilyuhin sa ulo ng kanyang 60-anyos na ama na naubusan umano ng pasensiya dahil sa pagiging pasaway nito naganap kamakalawa sa Brgy. Agcuwayan, Barotac Nuevo, Iloilo.
Ang suspek ay kinilalang si Rolando Belonio na kinasuhan ng parricide.
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen bandang alas-7:00 ng gabi ay nagtungo ang biktima sa bahay ng kaniyang pinsan at dito ay naghuramentado at winawasak ang dingding at iba pang bahagi ng tahanan ng kaanak.
Hindi ito nagpaawat sa pagwawala hanggang sa kumuha ng martilyo at sunud-sunod na hinataw sa ulo ang anak na agad bumulagta at tumirik pa ang mata sa insidente.
Sa tala ang biktima ay dati na umanong isinailalim sa rehabilitasyon bunga ng umano’y pagkalulong nito sa bawal na gamot.