Truck driver, pahinante itinumba

MANILA, Philippines - Isang truck driver at kanyang pahinante ang pinagbabaril ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang mga biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang sina Noel Corre, 41, binata, driver; at Jessie Borja, 27, pahinante at kapwa naninirahan sa Salmon Street, Brgy. 8, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang makarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril sa kanto ng Salmon at Sinilyasis Street at nakita nila ang tatlong lalaki na papaalis sa lugar.

Show comments