Mister ipinakulong ni misis

MANILA, Philippines - Ipinakulong ng isang misis ang kanyang mister matapos na tutukan siya nito ng patalim habang mainit na nagtatalo sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na kinasuhan ng anti-violence against women ay si  Danilo Ibay, nasa hustong gulang, at residente ng No.1 Sunburst St. Group 104 Rim View Park, SSS Village, Concepcion Dos, Marikina City.

Batay sa reklamo ng asawang si Carmen, dakong alas-10:00 ng gabi ay dumating ang mister at nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan nila sa di malamang dahilan.

Habang nasa kainitan nang pagtatalo ay tinutukan ng mister ng patalim ang misis sanhi upang humingi ng tulong sa mga miyembro ng bantay bayan at ipinaaresto ito.

 

Show comments