Pintor dinedo ng kapwa pintor

MANILA, Philippines – Bulagta ang 45-anyos na pintor matapos itong saksakin ng kabarong pintor sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Jessie Jularbal ng #564 Delas Alas Street sa Barangay 57 Zone 8, Pasay City.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Rolando Mira ng Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Julius Balbuena, kinompronta ng suspek ang biktima sa harap ng bahay sa Dr. Alejos Street, Barangay San Isidro Labrador bandang alas-7:45 ng umaga.

Inakusahan ang biktima na nagsumbong sa kanilang amo sa ginagawang kabulastugan ng suspek kaya naganap ang pananaksak.

Show comments