MANILA, Philippines – Umaabot sa mahigit 30 plastic sachet ng shabu, paraphernalias, 2 baril, deadly weapons at iba pang kontrabando ang nasamsam sa Maximum Security Compound, New Bilibid Prison nang muling magsagawa ng pagsalakay sa ikawalong pagkakataon ang mga tauhan ng Bureau of Corrections sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Nona kahapon ng alas-5:30 ng umaga.
Sinabi ng importante ng BuCor na nasa P5,000 kada isang sachet ang bentahan ng shabu sa kanilang brigada.
Bukod sa mga shabu at deadly weapons ay nasamsam din ang dalawang lata na naglalaman ng daan-daang piraso ng hinihinalang sex enhancer pills, electric fan at mga DVD player.
Gumamit ang BuCor ng mga K-9 dog at metal detector upang kaagad matukoy ang mga itinatagong kontrabando ng mga preso.