MANILA, Philippines - Sa kabila ng desisyon ng dalawang division ng Commission on Elections na bawiin ang kanyang certificate of candidacy (COC) ay itutuloy pa rin ni Senator Grace Poe ang kanyang kandidatura
Ayon kay Poe nananatili siyang isang kandidato sa pagka-pangulo hangga’t walang ipinalalabas na desisyon ang Supreme Court.
“Tuloy po ang ating kandidatura para sa pagka-pangulo. Ipaglalaban po natin ang tunay na demokratikong halalan kung saan tampok ang kapakanan ng lahat ng Pilipino,” ani Poe .
Iginiit ni Poe na tunay siyang Pilipino at nais nilang maglingkod sa kanyang mga kapwa Pilipino.
Hihilingin ng mga abogado ni Poe sa Comelec en banc na rebyuhin ang desisyon ng First Division, matapos bomoto ng 2-1 na kumakatig sa petisyon na ikansela ang COC ng senadora dahil sa isyu ng kanyang citizenship at ng kanyang residency.