Bebot sinalvage sa sementeryo

MANILA, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang pampublikong sementeryo sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-6:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng nasabing babae sa ibabaw ng nitso ng Sta. Cruz Public Cemetery na may tama ng bala sa ulo.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay itim na jacket na may hood at nakaputing pantalon.

Bukod sa tama ng baril ay nakita rin na may mga sugat ito sa ulo na palatandaan na ginulpi muna bago binaril.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na ang bangkay ay inilagak na sa Villa Funeral Homes.

Show comments