Retiradong pulis dinedo sa terminal

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 57-anyos na retiradong pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa terminal ng mga pampasaherong van sa Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si ex-SP03 Antonino Amores, may asawa, at nakatira sa Barangay Santol sa bayan ng Silang, Cavite.

Base sa police report  na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, naganap ang krimen sa Balibago Turbina Terminal kung saan nakapila ang pampasaherong van ng biktima na may rutang Cavite at Laguna.

Lumilitaw na nakaupo ang biktima habang umiinom ng kape nang lapitan at ratratin ng hindi kilalang gunman.

Mabilis na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo habang iniimbetigahan naman ang naganap na pamamaril.

Show comments