Katiwala inutas sa punerarya

MANILA, Philippines – Itinumba ang 36-an­yos na katiwala matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang natutulog sa compound ng pune­rarya sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Divino Jimenez, kawani ng R. De Castro Funeral Homes, at nakatira sa #2643 Lico Street sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PO3 dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, apat na kasamahan sa trabaho ang kasamang natutulog ng biktima at kalive-in nitong si Va­nessa nang maganap ang pamamaril sa receiving area sa compound ng na­sabing punerarya bandang alauna ng madaling araw.

Namataan naman ang dalawang gunmen na papatakas na lulan ng traysikel habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments