MANILA, Philippines – Ipinatupad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte katulong ang Department of Science and Technology-National Capital Region at QC public schools ang Invent School Program na magbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga mag-aaral at guro tungkol sa Intellectual Property Rights (IPR) and Protection.
Sa ilalim ng programa ng mga estudyante at mga guro sa mga QC public schools ay sasalang sa dalawang araw na seminar-workshop upang tulungan ang mga itong makalikha ng mga ideas sa imbensiyon at makalikha ng enterprises na may social impact.
Layunin din ng programa na makabuo ng young inventors association at clubs na magpapalago sa mga inventive activities sa mga public schools at ma-engganyo ang mga mag-aaral na pumasok sa science-related courses para maging mga inventors, engineers at scientist sa hinaharap.