Bulacan City engineer inambus

MANILA, Philippines – Malubhang nasugatan ang isang city engineer ng lalawigan ng Bulacan matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in- tandem kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Engineer Rufino Gravador na nakaratay ngayon sa Delos Santos Medical Center dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa nakuhang CCTV footages ng pulisya makikita ang dalawang lalaking salarin sakay ng isang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada na inaabangan ang pagdating ng biktima.

Nang dumating ang biktima sakay ng SUV ay doon na ito pinagbabaril ng mga suspek gamit ang armalite at nang inakalang patay na ay tumakas ang mga suspek habang ang una ay nagawa pang makapagmaneho papuntang ospital.

Kinondena ni Atty.Elmer Galicia, abogado ng biktima ang pa­nanambang sa kanyang kliyente at malaki umano ang paniniwala nito na may kinalaman ang pamamaril sa pagsasampa nito ng kasong katiwalian sa konstruksyon ng city hall laban kay Bulacan, San Jose del Monte Mayor Reynaldo San Pedro.

Sinabi ni Galicia na patuloy ang pakikipagtulungan nila sa pulisya para sa ikakalinaw ng kaso.

Show comments