Kelot umihi sa gilid ng riles, dedo sa tren

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Francisco Garcia, 40-anyos, isang volunteer member ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang ito ay masagi ng tren habang umiihi sa gilid ng riles sa bahagi ng Antipolo at Jose Abad Santos Sts., Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa westbound track ay sinabi ng dalawang kasamahan ng biktima na sina Catalla Jay Braceros, 39 at Richard Ramos, 29 na nagpaalam ang biktima sa kanila na iihi sa gilid at ilang sandali ay narinig nila ang sigawan na ang biktima ay nasagi ng dumaang tren.

Show comments