Jeep swak sa bangin: 2 todas, 20 sugatan

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang katao habang 20 ang nasugatan nang mahulog ang isang pampasaherong jeep sa malalim na bangin sa national road ng Brgy. Parina, Calanasan, Apayao kamakalawa.

Inaalam pa ang  pagkakakilanlan ng dalawang nasawi na hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng matitinding sugat na tinamo ng mga ito sa katawan.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 19 pasahero at driver ng pampasaherong jeepney sanhi ng mga sugat na tinamo sa katawan.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay kasalukuyang bumabagtas sa highway ang pampasaherong jeep (VBS-886) na minamaneho ni Sonnyboy Alayao nang maganap ang trahedya matapos mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver habang bumabaybay ito sa matarik na highway na  nagbunsod sa sakuna.

Show comments