Alaskador tigok sa vendor

MANILA, Philippines – Ang pagiging alaskador ng isang vendor ang ugat ng kanyang kamatayan matapos na siya ay saksakin ng kapwa nito vendor na napikon dito kahapon sa Makati City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ay kinilalang si Miguelito Ancolax, 51, ng 8th Avenue Extension, Barangay East Rembo ng lungsod.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si  Jonathan Dado, 38, tubong Capulang, Catbalogan, Samar, walang permanenteng tirahan sa Maynila.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng umaga sa 8th Avenue Extension, Barangay East Rembo ng naturang lungsod ay parating inaasar at binibiro umano ni Ancolax si Dado.

At sa pagkakataong iyon ay napikon at nagalit ang suspek hanggang sa binunot ang dala nitong patalim at inundayan ng ilang saksak si Ancolax.

Show comments