Guro dedo sa motorsiklo

MANILA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang gurong lalaki matapos na sumalpok ang minamaneho motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck na walang early warning device kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang nasawi ay nakilalang si Rowel Wisco, 24, guro sa Caloocan City Science and Technology High School at residente ng #380-Kalantas St., Hillcrest Village ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang Honda motorcycle (3996-NR) at binabagtas ang kahabaan ng Camarin Road patungong Almar nang  sumalpok ito sa nakaparadang trailer truck (PUC-995) na ipinarada ng driver na si  Jaime Lita na nalimutang maglagay ng early warning device.

Sa lakas nang pagsalpok ay tumilapon ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa kalsada.

Show comments