Consolidation ng DQ cases ni Poe, ibinasura

MANILA, Philippines – Hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division na pagsamahin ang apat na disqualification case laban kay  Senator Grace Poe.

Una nang dininig ang petisyon kung saan  hiniling ni Atty. George  Garcia sa Co­melec na pagsamahin na lamang ang DQ cases na isinampa  nina ex-Sen. Francisco Tatad, political science professor Antonio Contreras, University of the East Law dean Amado Valdez  at Atty. Estrella Elamparo.

Pabor naman sina Tatad at Valdez  na pagsamahin ang  kaso habang iba ang kay Contreras na kumuwestiyon sa residency ni Poe.

Show comments