1,000 pamilya nasunugan sa Mandaluyong

Tumutulong na ang mga tao sa pagpatay ng apoy sa nasusunog na mga bahay sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kahapon. Michael Varcas  

MANILA, Philippines – Aabot sa 1,000 pa­milya ang nawalan ng bahay matapos na tupukin ng sunog ang kanilang mga bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Mandalu­yong Fire Department, sinasabing faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog dakong alas-2:34 ng hapon sa bahay ng isang alyas Jopay sa Block 32, Molave St.. na mabilis na kuma­lat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na pawang yari sa kahoy.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring lumalawak ang lugar na tinutupok ng apoy.

Show comments