Binatilyo na hirap sa buhay, nagpakamatay

MANILA, Philippines – Posibleng hindi na nakayanan ng isang 17-an­yos na binatilyo ang nararanasang hirap ng buhay kaya’t nagpasyang wakasan sa pamamgitan ng pagbibigti sa puno ng mangga kamakalawa, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima ay kinilala sa alias Tonton, out of school youth, ng Blk 4, Lot 28, Manuelaville Subdivision, Brgy. San Agustin 2.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang ma­diskubre ang naka­bigting katawan ng biktima sa isang puno ng mangga na hindi kalayuan sa bahay nito gamit ang lubid na napulot nito.

Show comments