Obrero lasog sa tren

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 20-anyos na factory worker na kinilalang si Mark Jeb Gomez, residente ng no. 1238 Kahilum I, Pandacan, Maynila nang ito ay mapisak matapos masagasaan ng tren na nakasagi sa kanya habang bitbit ang mga napulot na panggatong kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng umaga ay nag­lalakad ang biktima sa riles malapit sa Kahilum I, Pandacan kasama ang pinsan nang masagi ng rumaragasang tren na patungong Tutuban.

Sa salaysay ng operator ng tren na si Dominador Mendoza na hindi niya agad napansin na nasagi ng kanyang tren ang biktima.

 

Show comments