No fly zone, no sail zone ipinatupad na

Nagbigay ng kanyang mensahe si US President Barack Obama matapos libutin  ang BRP Gregorio Del Pilar na nakadaong sa Pier 13. Nasa bansa si Obama sa pangalawang pagkakataon para dumalo sa  APEC. Kriz John Rosales

MANILA, Philippines - Ipinatupad na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang no fly zone at no sail zone  kaugnay ng pagbubukas ng idinaraos na Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa PICC, Manila.

Ayon kay AFP Spokesman Colonel Restituto Padilla, inimplementa ng Philippine Navy ang no sail zone  sa bahagi ng Manila Bay habang ang no fly zone ay sa himpapawid ng Metro Manila kung saan idinaraos ang venue ng  nasabing okasyon.

 Ang ‘no sail zone sa Manila Bay ay ipinatutupad hanggang sa 12 nawtikal na milya ng karagatan habang ang ‘no fly zones’ ay nasa 40 nawtikal na milya.

Sinabi ni Padilla na sinuman ang lalabag sa nasabing polisiya ay agad na aarestuhin.

Show comments