5 sugatan sa sumabog na granada

MANILA, Philippines – Lima-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na inihagis ng hindi kilalang lalaki sa panulukan ng Malvar Street at Rizal Street sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga bikitma na sina Berlie Baluyot, 46, may asawa, ng Doña Aurora Street, Kabacan na tinamaan sa kaliwang binti; Rosalie Pareñas, 36, ng Brgy Bannawag, Kabacan na tinamaan sa ulo; John Clark Mantilla Opena, 13, ng Roxas Street, tinamaan sa kaliwang paa; Gerardo Ombrete Moya, 48, ng Maria Clara Street, Poblacion, tinamaan sa kanang dibdib; at si Johainna Pops Suelo Alon, 17, ng Quirino street, Poblacion. Ayon kay Cordero, mga riding criminals ang responsable sa panghahagis ng granada.

Samantala, binulabog naman ng pagsabog ang ilang residente sa kahabaan ng Sinsuat Avenue sa tapat lamang ng Cotabato Christian Church sa Cotabato City, kamakalawa ng gabi.

Show comments