Globe Telecom, Cherry Mobile nagtambal

MANILA, Philippines – Upang ilunsad ang Cherry prepaid SIM at phone bundles ay pumasok  ang kumpanyang Cherry Mobile sa co-branding partnership sa Globe Telecom.

Ang prepaid service na tinaguriang Cherry Prepaid powered by Globe ay naglalayong maging game-changer sa mass market mobile connecti­vity na pinagsama ang  high quality mobile phones at prepaid service sa isang package.

Sa flexible starter options tulad ng Cherry Prepaid SIM at phone bundles sa halagang P399 at SIM-only option sa halagang P29 lamang, ang mga user ay maaaring agad na makatawag, mag-text at mag-surf sa Internet.

“This year marks another milestone for the company. After domina­ting the market with its hip entertainment-on-the-go TV and multimedia smartphones, Cherry Mobile gets even better as it partners with Globe to provide Filipinos with the newest and most diversified prepaid mobile service – the game-changing Cherry Prepaid powered by Globe,” wika ni Cherry Mobile Chief Executive Officer Maynard Ngu.

Sinabi naman ni Globe President and CEO Ernest na ang co-branding agreement ay bahagi ng pangako ng telco na ipagkaloob ang digital lifestyle ng mass market segment, pinagtitibay ang matatag na kinalalagyan ng Cherry Mobile sa prepaid market sa epektibong device offerings nito.

Higit na aabangan ang Cherry Prepaid dahil sa load feature nito na eksklusibo sa lahat ng Cherry Prepaid subscribers. Depende sa starter package, maaaring makatanggap ng  P10 hanggang P300 Bonus Load kada buwan na magagamit sa pag-surf sa Internet, pag-text sa lahat ng networks, at pagtawag at pag-text sa Cherry Prepaid subscribers.

Show comments