Kuta binomba: 2 Abu napatay

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang miyembro  ng Abu Sayyaf  Group (ASG) matapos na paulanan ng mortar ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng mga ito sa kagubatan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu, nasa 20 Abu Sayyaf  sa pamumuno ni Alkam Udjaman, ang nakasagupa ng mga elemento ng Alpha Company ng Army’s 35th Infantry Battalion (IB)  dakong alas-7:30 ng umaga  ang mga bandido sa bisinidad ng Brgy. Latih, Patikul, Sulu na umabot sa 30 minutong labanan na ikinasawi ng dalawang bandido.

Show comments