Away lupa: 2 lider todas

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawa umanong lider ng lusubin ang isang lugar na pinagkukutaan ng mga armadong grupo na umaagaw sa kanilang lupain sa Sitio Pagayao, Brgy. Banaba na sakop ng bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina alyas Rugoy at alyas Pato na nanguna sa pag-aatake sa grupo ni Sammy Pagayao.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang lumusob ang mga biktima sa lugar ni Pagayao na kung saan ay nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng halos 30 minuto na natigil nang mamagitan ang pulisya at militar.

Lumalabas na pilit umanong inaangkin ng grupo ni Pagayao ang ilang mga lupain kaya’t nagsilikas ang maraming mga residente doon.

 

Show comments