Election officer itinumba

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Raymund Valera, 52, election officer sa bayan ng Dumangas, Iloilo. STAR/File photo

MANILA, Philippines - Isang election officer at pinagbabaril nang malapitan sa harapan ng isang gasolinahan sa Avanceña, Molo District, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Raymund Valera, 52, election officer sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Sa ulat ng Iloilo City Police, bago nangyari ang pagbaril sa biktima dakong alas-10:00 ng gabi ay kasalukuyang nasa loob ito ng kaniyang Isuzu Crosswind nang biglang sumulpot sa lugar ang suspek na sakay ng  taxi.

Lumapit ang suspek at pinagbabaril ang biktima ng  tatlong beses at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa kasong ito, una ay kung may kinalaman sa alitan sa trapiko at ikalawa ay kaugnay ng gaganaping halalan sa Mayo ng susunod na taon.

 

Show comments