Parak,10 pa timbog sa pagnanakaw ng pinya

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang pulis na si PO3 Edwin Tabamo, nakadestino sa Regional Headquarters and Service Company ng Police Regional Office 12 at mga kasamang sina Sandy; Joey; at Ian Arostique; Joan Tamayo, Quinton Mahusay;Joel Tamayo; Boyet Agustin; Marvin Suarez; Renato; at Ronnie Sera sa kasong pagnanakaw ng pinya na pag-aari ng DOLE sa Barangay Crossing, Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Bukod sa pagnanakaw ng pinya ay kinasuhan din ang mga suspek ng kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition; at  illegal drugs at administratibo sa pulis na siyang driver ng utility van na may lulan na ninakawa na 50 pirasong pinya.

Nasamsam din sa loob ng van ang calibre 40 pistol, calibre 45 pistol, 3 8 revolver, mga bala, drug paraphernalias, at 5 suspected sachet ng shabu.

Show comments