3 dedo, 2 kritikal sa killer bus

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamatayan tatlong sibilyan habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang isang kotse sa Aguinaldo Highway sa Barangay Mendez Crossing East, Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay sina John David Salvajeno, 31; Ericka Liberato, at si Mark James Tanchoco, 19, pawang nakatira sa Barangay Molino 3 at 4 sa Bacoor City, Cavite

Samantala, kritikal naman sina Russel Conge Santiago, 30; Shella Conge Rodriguez, 29; at si Andrew Duque, 31, computer shop owner at pawang nakatira Citihomes Subd. sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Arestado naman ang driver ng DLTB Bus Liner na si Mark Anthony Magsino, 32, ng #283 San Jose Del Monte Street sa Quezon City.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, sinalpok ng nasabing bus na may plakang UYB 812 ang likurang bahagi ng Toyota Avanza (YS5876) habang ito ay papakaliwa sa highway.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sumadsad ang kotse kung saan naipit ang mga biktima.

Show comments