MANILA, Philippines – Mistulang nag-ala Jennifer Laude ang 25-anyos na bading na pinatay sa gulpi ng tatlong senglot na magpipinsan matapos madiskubreng hindi tunay na babae kamakalawa ng gabi sa Barangay Dist.1 sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Kinilala ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP ang napaslang na si Jayson Gonzales na may alyas Mayla na tubong Caranglan, Nueva Ecija.
Nasakote naman ang magpipinsang suspek na nagdala sa biktima sa tabing ilog na sina Angelito Acio, 27; Domingo Gambing, 21; at ang utol nitong si Orlando Gambing, 22.?
Pinaniniwalaang nagalit ang mga suspek nang madiskubreng hindi pala katalo ang biktima matapos makapa ang malaki nitong ari kaya ginulpi ito at binasag ang bao ng ulo sa pamamagitan ng dos-por-dos saka itinapon sa ilog.?
Nadiskubre ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilog kinabukasan.
Kaagad naman nadakip sa follow-up operation ang magpipinsang suspek na itinuro ng mga nakasaksi.