Haze isama sa disaster plan-DENR

MANILA, Philippines – Isama na ng pamahalaan ang haze sa disaster plan dahilan sa malawakang epekto nito sa kapaligiran at sa mamamayan.

Ito ang iginiit ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje dahil  maigsi ang paraan at paggising ay andiyan na.

Maaaring  manumbalik ang haze sa bansa sa oras na may  dumating na bagyo sa Pilipinas hangga’t hindi pa napapatay ang sunog sa Indonesia.

Una na namang niliwanag ng PAGASA na walang haze sa Metro Manila dahilan sa ang namamataang usok dito ay bunga lamang ng matinding polusyon.

Show comments