Pulis dedo sa tandem

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins may ilang metro lamang ang layo sa burol ng yumao nitong amain sa Sitio Masilag, Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur  kamakalawa ng gabi.

Kinondena ni Ilocos Sur PNP Director P/Senior Supt. Nestor Felix ang pagpatay kay PO1 Reynaldo Daciego na miyembro ng Salcedo PNP. ?

Base sa police report,  sinundan ng tandem ang biktima saka niratrat sa noo at leeg saka tumakas ang tandem.

Sinabi ng mga nakasaksi sa krimen na Tagalog ang pananalita ng gunmen na umatake sa biktima.

Isa sa mga anggulong sinusubaybayan ng mga imbestigador ay may kinalaman sa pag-atake ng mga rebeldeng NPA.

Show comments