Caloocan bishop pinapatulong vs sugarol na politiko

MANILA, Philippines - Nanawagan ang ibang iba’t ibang people’s at non-governmental organizations (POs at NGOs) sa bagong lider ng Diocese of Caloocan City na si Bishop Pablo David na tumulong laban sa mga politikong inuuna ang pagpapayaman at pagsusugal kaysa kapakanan ng bayan.

“Masyadong kakatwa ang koalisyong ‘Tao ang Una’ pero bakit natin isusugal ang kapakanan ng Caloocan sa mga politikong mahilig sa casino kaya lantaran ang jueteng, sakla at iba pang ilegal na sugal sa ating lungsod?” tanong nina Elmer Cruz ng Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MataKa) at Rowena Ong ng Bigwas. “Kaya nananawagan kami kay Bishop David na tumulong upang ipanawagan sa mga Katoliko na labanan ang mga imoral na gawain ng mga halal ng bayan na hindi karapat-dapat mapuwesto.”

Sinabi naman ni Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda na nakahihiya si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez na hindi mapigilan ang iniulat na tatlong bola kada araw na jueteng sa Caloocan na sinasabing pinatatakbo ng kamag-anak ni Mayor Oscar Malapitan.

 

Show comments