Chess player inutas ng tandem

MANILA, Philippines - Bulagta ang 45-anyos na chess player matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang nanonood ng chess sa Fairview, Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ng pulis ang biktima na si Jerico Viray ng Ipil-Ipil Street sa Barangay Greater Fairview.

Ayon kay SPO2 Rosyl Francisco, naganap ang pamamaril sa kahabaan ng Molave Street  bandang alas-3:30 ng hapon

Nabatid na nanood ng chess ang biktima kasama ang kaibigang si Jay nang lapitan at pagbabarilin kung saan napuruhan sa kanang mukha.

Agad namang isinugod sa FEU Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktima.

 

Show comments