2,500 yunit ng Honda, pinapa-recall

MANILA, Philippines - Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na boluntaryong pinapa-recall ng Honda Philippines ang mahigit na dalawang libong yunit na naibentang sasakyan.

Nasa kabuuang 2,531 yunit ng Jazz at City models na naibenta mula 2014-2015 ang pinapa-recall upang ma-update ang software ng electronic control unit (ECU).

Ayon sa Honda, aa­yusin ng update ang pagkakaroon ng mataas na stress at pagkasira ng “drive pulley shift” para maiwasan ang biglaang pagla-lock ng gulong.

Tiniyak ng kumpanya na libre ang serbisyo at tatagal lamang ng 30-minuto.

Pinayuhan ang mga may-ari ng naturang sasakyan na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na 33 Honda authorized dea­lers.

Sinabi ng DTI na kailangang samantalahin ng mga may-ari ng mga sasakyan ang iniaalok na recall ng Honda para sa sariling kaligtasan.

Show comments