Prexy ng bagong partido tatakbong konsehal ng Maynila

MANILA, Philippines –  Naghain ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec si Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi Party  (Katipunan) President Joel M. Par para tumakbong konsehal sa ika-anim na distrito ng Maynila.

Layunin ni Par na mawakasan ang nagaganap na korapsiyon at kalokohan sa kasalukuyang sistema ng gobyerno at magkaroon ng tunay na pagbabago partikular na sa nasabing distrito.

Piniling tumakbo ni Par sa Katipunan dahil sa magagandang polisiya at programa  gaya ng pangangalaga sa  soberenya  ng bansa at ng bawat Filipino,labanan ang kahirapan at gutom lalo na sa mga siyudad gaya ng Maynila na lumulobo ang bilang ng mga jobless at walang mga sariling bahay.

Malaki ang paniniwala ni Par na ang nasabing partido ang magbibigay sa bansa ng mga  bagong mga lider na may tunay na pagmamahal at mangangalaga sa karapatan, edukasyon, maayos na antas ng pamumuhay at dirinig sa boses ng mga Filipino.

Show comments