5 NPA rebels nasawi sa bakbakan

MANILA, Philippines –  Napaslang sa bakbakan ang limang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na masabat ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force (PAF)  kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mataas na Pulo, Nasugbu, Batangas.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng hapon habang nagsasagawa ng combat patrol ang combat warrior ng PAF  nang makasagupa ang 10 NPA rebels na mula sa Guerilla Unit 3, Southern Tagalog Regional Party Committee sa may sapa ng nasabing lugar at  agad nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng 15 minuto at limang rebelde ang napaslang nang marekober ang bangkay sa encounter site.

Show comments