Mar-Leni, Grace-Chiz nag-file ng COC

MANILA, Philippines –  Naghain kahapon ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila ang tambalang LP bets Mar Roxas at Leni Robredo at Independent candidates  Senators Grace Poe at Chiz Escudero.

Sinamahan si Roxas ng kaniyang misis na si Korina Sanchez habang sinuportahan naman  si Robredo ng kanyang mga anak nito na dating kontra sa paglahok ng kaniyang ina sa vice presidential race.

Naroon din sina  Pangulong Noynoy Aquino at House Speaker  Feliciano Sonny Belmonte  na hindi na pumasok sa loob ng  Comelec office.

Kinumpirma nina Grace at Chiz na kumpleto na ang kanilang senatorial line up at ihahayag nila ito sa susunod na linggo.

Hindi pa umano nila mapangalanan ang kanilang senatorial line up dahil sa ngayon ay hindi pa nagdedeklara ng kanilang  kandidato sa pagkasenador.

Show comments