Erap hinamon ng boxing si Lim

MANILA, Philippines - Hindi pinatulan ni Manila Mayor Erap Estrada ang hamon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na sabay silang mag jogging upang mapatunayan kung sino sa kanila ang may malakas ang panga­ngatawan.

Sa halip ay sinabi ni Estrada na mag-boxing na lamang sila dahil ang jogging ay para lamang sa matatanda at posibleng  maging sagutin niya  umano si Lim kapag ito ay nag-collapsed.

Si Lim ay naghain kahapon ng kanyang kandidatura para sa pagka-mayor ng lungsod at ngayong araw ay si Estrada naman ang maghahain ng kanyang COC sa pagka-mayor.-Doris Franche-Borja,Ludy Bermudo

Show comments