MANILA, Philippines – Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sina Vice President Jejomar Binay, Makati Mayor Jejomar Jun-Jun Binay, Jr., at 22 iba pa may kinalaman sa maanomalyang bidding at pagtatayo ng Makati carpark building project na ginawa mula noong 2007 hanggang 2013 matapos kakitaan ng probable cause sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Malversation of Public Funds at Falsification of public documents.
Sa record, inaprubahan ni VP Binay at Mayor Binay, Jr. ang BAC resolutions, notices of awards, contracts at bayarin sa proyekto gamit ang unnumbered/undated disbursement vouchers at obligation requests.