MANILA, Philippines – Isang political officer ni Antipolo City Vice Mayor Rolando Leyva, na planong tumakbong konsehal sa lungsod sa 2016 ang binaril ng riding-in-tandem kamakalawa.
Ang biktima na malubhang nasugatan dahil sa tama ng bala sa dibdib at kaliwang tenga ay kinilalang si Macario Semilla Jr., 44.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay patungo ang biktima para dumalo sa pulong ng Liberal Party na gaganapin sa bahay ng tatakbong 1st District congressional aspirant Dodok Lawis nang ito ay pagbabarilin habang bumababa ng tricycle sa kahabaan ng J. P. Rizal St., Barangay de la Paz.
Nang bumagsak ang biktima ay sumakay ang gunman sa naghihintay na kasamang nakamotorsiklo na walang plaka.
Narekober ng SOCO ang apat na basyo ng hindi pa madeterminang kalibre ng baril.
Nakatakdang ang biktima at mga kasama ng kanilang certificate of candidacies sa local Commission on Elections (Comelec) sa Miyerkules.