MANILA, Philippines – Tatakbo sa local position ang karamihan sa mga graduating na kongresista at partylist na nasa kanila nang huling termino.
Kabilang sa mga mambabatas na sasabak sa gobernatorial race ay si Al Francis Bichara ng Albay, Agap Partylist Rep. Nicanor Briones na tatakbong gobernador ng Batangas, Antonio del Rosario ng Capiz, Mark Enverga ng Quezon, Mark Leandro Mendoza ng Batangas, Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya at Guillermo Romarate ng Surigao del Norte.
Tatakbo namang alkalde ng Sta. Rosa, Laguna si Cong. Dan Fernandez, sa Valenzuela si Cong Magi Gunigundo, sa Leyte si Cong. Andres Salvacion at Vice Mayor ng Maynila si Cong. Benjamin Asilo na magiging running mate ni dating Manila Mayor Alfredo Lim gayundin si Cong. Elpidio Barzaga ng Dasmariñas, Cavite.
Bagamat nasa ikalawang termino pa lamang tatakbo rin umanong alkalde ng Caloocan si Rep. Enrico Echiverri.
Ilan naman sa mga kongresistang tatakbo sa kanilang mga distrito ay maituturing ng sure winner dahil sa wala silang mga kalaban ay sina Oriental Mindoro Rep. Rey Umali, 3rd district Cavite Rep. Alex Advincula at 6th District Cavite Rep. Jonjon Ferrer.