Abogado tinodas ng abogado

MANILA, Philippines – Isang beteranong abogado ang malapitang binaril ng isa sa dalawang abogado na nakasakay sa kanyang sasakyan naganap kamakalawa sa highway ng Brgy. Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang biktima na nasawi dahil sa tama ng bala sa likuran at kanang sentido ay kinilalang si Atty. Pepito Suello, 63, may-asawa.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang behikulong Hyundai Santa Fe at sakay sa likuran sina Atty.Alvy Damasco  at  Alfredo Sese  patungo sa Regional Trial Court (RTC) Branch 9 sa Malaybalay City nang pagbabarilin ng isa sa abogado.

Narekober sa loob ng behikulo ang pitong basyo ng cal 9 MM, isang nadepormang bala, isang cal 380 Bersa  na may limang bala.

Nadiskubre ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pamumuno nina Chief Inspector Ellen Avanzado ang dalawang butas na nilikha ng tama ng bala sa drivers seat at isa kaliwang pintuan ng behikulo.

Nagboluntaryo si Damasco na sumailalim sa pa­raffin test habang pinaghahanap na si Sese na siyang hinihinalang pangunahing suspek sa pagbaril sa biktima dahilan sa walang bala na nagmula sa labas ng sasakyan.

Show comments