MANILA, Philippines – Nagbigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 sa mga senior citizen kasabay nang pagdiriwang ng Eldery Filipino Week kahapon.
Lubos namang nagpasalamat ang mga senior citizen dahil sa pagbibigay sa kanila ng halaga ng pamahalaan sa buong araw na libre silang sumakay ng LRT-1 at 2 noong Sabado at Linggo.
Ayon sa mga matatanda, malaking bagay para sa kanila ang libreng sakay dahil nabawasan ang kanilang gastusin.
Sa halip na ipambayad na pamasahe ay inilaan na lamang sa ibang pangangailangan ng mga matatanda ang kanilang natipid hinggil sa ibinigay na libreng sakay ng LRT. Ang LRT-1 ang nagdurugtong sa Baclaran, Pasay City, Roosevelt sa
Quezon City, habang ang LRT-2 naman ang nagkokonekta sa Claro M. Recto Avenue sa Manila at Santolan sa Pasig City.