MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Vice President Jejomar Binay sa Department of Justice na tingnan ang posibleng may kinalaman si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagtatago sa Thailand ng magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes na mga suspek sa pagpatay kay environmentalist Gerry Ortega batay sa ulat ng Philippine National Police.
Kung sakali ng mapatunayan na nakokontak ni Mercado ang magkapatid na wanted sa batas ay kailangan tanggalin mula sa Witness Protection Program at harapin ang kanyang nagawang pagkakamali kung meron man.
Ito ang sinabi ni Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs of vice president dahil nakokontak umano ni Mercado ang puganteng magkapatid habang ang mga ito ay nagtatago sa batas bago pa naganap ang pag-aresto.
Sa imbestigasyon ng pulisya na kanilang na-trace ang mga telephone numbers ng Reyes brothers sa pamamagitan ng technical research and data at SMS records sa mga numerong 66834540216 at 6699486167.
Ang ibang mga tawag at text messages ng magkapatid ay sa kanilang asawa, isang resort owner, isang fishing executive at kay Mercado, na napaulat na may pag-aaring resort at sabungan sa Palawan.
Ayon sa pulisya na ang cell phone number 6699486167 ay tumawag sa 0926-6442255 ng 14 beses; sa 0916-4004126 ng 7 beses; at tumawag sa 0916-4007807 ng limang beses; dalawang beses sa 0915-3523916, 09064103828, at 66819781011(a Thai number); isang tawag sa 0917-4751533, 0915-4612940 at 0927-9453056.
Sinabi ng pulisya na maaaring makasuhan ang sinumang mapapatunayan na tumutulong sa isang pugante o wanted sa batas.